Skip to main content
Image
Map illustrating that Electric Vehicle Charging is available at all SFO public parking facilities.

Naghahandog ang SFO ng paradahan kung saan mas binibigyang prayoridad ang elektronikong plug-in na sasakyan sa lahat ng aming pampublikong garahe. Pinakamaganda rito, walang singil para sa pagtsa-charge! May magagamit na puwesto o stall para sa pagparada ng plug-in na sasakyan batay sa kung sino ang mauuna o first come, first served. Matatagpuan ang bawat puwesto o stall sa close-in na paradahang lugar at kasama rito ang paggamit sa Palapag 1 na pagtsa-charge (110 V na karaniwang outlet) o Palapag 2 na pagtsa-charge (240 V). Tandaan: Kailangang mayroon kayong sariling kable para sa pagkonekta sa Palapag 1 na pagtsa-charge. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa elektronikong pagpa-plug in na estasyon, pakibisita ang https://na.chargepoint.com/charge_pointat i-type ang "SFO" sa kahon na "enter a location (ilagay ang lugar).”

May karatulang “Green Vehicle Parking (Paradahan ng Sasakyang Mabuti sa Kapaligiran)” ang lahat ng paradahang espasyo para sa pagpa-plug-in ng elektronikong sasakyan. 

Mga Lugar ng mga Espasyong Mapaparadahan ng Napa-plug-in na Elektronikong Sasakyan 

Internasyonal na Terminal Garahe A

  • 4 espasyo o stall sa Palapag 2 (malapit sa malalakaran sa Terminal)
  • 15 espasyo o stall sa Palapag 7 (malapit sa AirTrain terminal)

Internasyonal na Terminal Garahe G

  • 8 espasyo o stall sa Palapag 1 (malapit sa mga elevator)
  • 4 espasyo o stall sa Palapag 3 (malapit sa malalakaran sa Terminal)
  • 13 espasyo o stall sa Palapag 7 (malapit sa AirTrain terminal)

Garahe para sa Pangmatagalang Pagparada

Garahe 1

  • 6 espasyo o stall sa bawat palapag, Palapag 2 hanggang 6

Garahe 2

  • 18 espasyo o stall sa bawat palapag, Palapag 2 hanggang 6
  • 24 espasyo o stall sa Palapag 1

Garahe para sa mga Nagbibiyahe sa Loob ng Bansa

60 espasyo o stall sa Palapag 1 (matatagpuan ang mga espasyo sa bawat seksiyon ng garahe na katabi ng mga lobby ng elevator)